Sj

The Story Behind!

- Kung gusto nyong malaman kung pano ako nagsimula online. Take time to read! SORRY :P

Hindi po ako anak mayaman! Sa mga nagsasabi nyan SORRY mali kayo!

Hi, I am Sj Manansala 20 years old. Nickname ko lang yan. Masyadong mahaba real name ko e. Graduate nako ng Hotel and Restaurant Management sa University of the Assumption last April 2013! Pero nasa US ako ngayon for US OJT/PRACTICUM! Mabisyo ako gusto ko dito. Haha :D Pag-uwi ko balak ko ulit mag mag-aral. Culinary or Master in Business Administration! Bahala na. Ayoko pang magwork e! Tamad lang talaga ako. Aral nalang ng Aral!

 Uhmm.. pano kuba sisimulan? Hehe

Nag start ako online 17 years old 2010 pero natatandaan ko nagtry nako HS pa. Madalas ko kasing makita ung mga ads tungkol sa "Earn Money Online, Online Jobs, Work from Home and Etc. Tapos walang capital na kailangan. So nagtry ako mag sign up. Nakakaintriga kasi mga ads ni Pinoy Deal sa Sulit. Idol ko sya na inspired ako sa mga post ni Partner! Partner na tawag ko sa kanya ngayon. Hehehe :DD

Interesado talaga ako kasi naman ang lalaki ng mga earnings nya. Kung makikita mo mga "Proof of Payments" nya pinopost DOLLARS pa $_$ nakakalaki talaga ng mata. Kung kaya nya kaya ko din diba?? Mag AGREE naman kayo. Hehe Ok. Continue! sa mga panahong un uso pa ung mga (PTC) "Pay Per Click" Ano un? Bigyan ko kayo ng konting idea. Nagcclick ka ng mga ads. My mga 1 to 20 ads per day depende. Per ads kikita ka lang $0.001 to $0.01 pag na view muna. Akalain mo?! Kailan ka makakaipon ng $1.00?! So anong ginawa ko? Tiyaga tiyaga lang pag my time. Pero wala e in 2 months na pagcclick ko per day naka $2.00 lang ako! YES TAMA!

So tanong ko pano kumikita si Pinoy Deal ng hundreds and thousand of dollars kung ganon db??Nakakapagtaka. Kung iisipin mo baka edited lang! Pero HINDI e! Totoo talaga! Kailangan palang magrefer ng marami at active members para kumita. Pero wala hindi ako ganun kagaling kagaya nya. Pero marami akong nakaclose dahil dun. Maraming naging friends online.

Marami palang Pinoy ang kumikita online. "Oo totoo my pera sa INTERNET!" Hindi ako nag give up at tumigil ng ganun ganun nalang. Sige tuloy lang! Aun sa tiyaga kumita kahit papano. My mga naging friends na taga ibang bansa na kumikita din online. Invite each other sa mga program na pinopromote mo. Bigla my nag invite kasi na sumali sa isang program. Kaso my membership fee para kumita, wala naman akong capital swerte kasi siya nagbayad ng 1st and 2nd month membership ko na worth $20.00 per month.

Bakit nya ginawa un? My potential daw kasi ako. Magaling akong magrefer at magpromote marami na din daw akong kilala online. Hindi nga sya nagkamali! Hehe Nagkakaroon ako ng referral na taga ibang bansa rin hindi tumagal ayun kumita nako at kaya ko ng bayaran monthly membership ko. Salamat sa kanya :))

Nagsimula ang career ko online. Kung ano ano sinasalihan ko. PTC , MLM, HYIP, ONLINE INVESTMENT, Social Networking and MORE! Talagang marami akong nakilala at naging friends na taga ibang bansa at sa Pinas din syempre. Pero hindi naman laging ganun diba? My mga panahong na SCAM ka hindi maiiwasan un. Pero dumating ung time na naubos na talaga kinita ko online as in wala ng capital.

NOTE: Nagsimula ako ng walang CAPITAL! As in wala akong nilabas na PERA!

"Laging sinasabi ng parents ko baka daw isang araw huliin nalang ako ng mga Pulis.

Dahil sa mga ginagawa ko. Bakit daw ako kumikita Online?!! Haha :DD"

Umabot sa puntong nagdesisyon ako na iwanan na ang online work. Kasi wala na talaga nakakadown, sunod sunod ang mga online programs na sinalihan ko na nag SCAM! Nakakaiyak un! ;(

Mabait talaga si Lord, Marami mang nawala sakin my mas maganda palang kapalit. Nabasa ko sa isang forum about oDESK! wala kang ilalabas na pera jan. Use your skills lang daw! So nagtry ulit ako baka my skills ako! Haha Real work talaga sya,.

Ano ba ginawa ko dun?!!
  • Sign-Up
  • Build your Profile
  • Take some Exams
  • Find a Job
  • Apply
  • Pass your Cover Letter
Hindi madali yun, Sakit ng ulo inabut ko. Hirap din ng mga exams nila. Salamat at my isang FB groups na kung saan ung mga nagwowork na Pinoy sa oDESK. Marami kang matutunan dun. Basta seryoso ka at masipag magbasa.My mga sasagot sa mga tanong mo. Blessing talaga un!

After 2 days na pag aayos ng Profile ko sa oDESK nag apply ako. 1st Job na inapplyan ko Advertising kasi my experienced nako dun. Swerte talaga after 2 hour my nag reply sa isang application ko. Nag set ng interview sa SKYPE! Todo kaba syempre. Hindi ako nabigo ako ung NAHIRED. Ang saya ung feeling na ang daming nag apply ikaw ung mapipili. Todo focus na talaga ako, My hourly salary kasi at fixed! Dollas pa ung sweldo diba? Tuloy-tuloy ang swerte ko oDESK dami kong nakuhang work. Kung saan saan company ako nag work. Proud ako kahit sa online lang atleast diba? Real Job, Real Company and Real Salary!

1st few months kumikita lang ako ng 8k to 10k habang tumatagal lumalaki ung kita ko. Umabot pa ako ng 30k to 40k a month! Anong sabi ng Professional diba?! Nabibili kuna ung gusto ko my FINANCIAL FREEDOM na talaga ako! Kaya ang daming naintriga na taga samen. Gusto din daw. Mabait naman ako todo explain at guide ako. Pero wala e walang nakakuha ng work. 

Anong reason bakit ako nakakuha sila hindi?

AKO: 
  • Sige try lang ng try makakuha din! Apply ng apply!
  • Start muna sa mababang sahod mga $2 to $3/hr ok?! Kailangan muna ng feedback diba? Dapat my kaya ka munang patunayan at ipagmalaki!
  • Apply kung saan ung skills ko. Apply din sa iba willing naman akong matuto.
SILA:
  • Gusto mataas agad ung rate! Bago palang!
  • Gusto madaling work! (Mas maraming competitors pag madali)
  • Tamad magbasa gusto sinusubo lahat!
  • Pag na declined application GIVE-UP na agad.
"STEP-BY-STEP PO DAPAT WALANG INSTANT! MAS LALONG WALANG BILANG NA 1 TAPOS 5 NA DIBA? HINDI AKO KAYO! KAYA WAG NA WAG NYONG SASABIHING BAT IKAW NAKAKUHA NG WORK AKO HINDI?!" -Sj Manansala

Nakaipon ulit ako dahil sa oDESK! Naisipan kong bumalik ulit sa Online Investment. Kasi ung mga nakakasabayan ko before mayaman na ngayon. Yumaman dahil sa online! Aminado ako nakakadisappoint. Kung hindi ko naisip tumigil siguro mayaman na din ako. Pero dipa naman huli ang lahat. Start ulit ako. 

"I learn from my mistake before. Kaya ngayon READY nako!"

Kung panay gastos lang ako. Kahit gano pa kalaki ang kinikita ko online wala din diba? USELESS! My mga iba akong friends sa FB na my Stock Market! Syempre interesado nanaman ako! AKO PA! Hahaha :DD Todo tanong ako at dahil interesado nga sige research, basa ng mga blogs, articles at nuod ng mga videos regarding Stock Market!


Open-Minded naman ako kahit papano kaya nagdecide akong pumasok sa mundo ng Stock Market sa edad na 20. Yup! Tama! Sarap ng ganito!


I'm a Truly Rich Club Member and a STOCKHOLDER:


- I own various "PUBLICLY LISTED-BLUE CHIP" companies with strong cash flow and profitable growth.
- I don't need to work... they work for me
- I don't sell products... they sell for me
- I don't even offer services...they do that part for me
- I don't need to fool / lure people to join "Soon-To-Become-Scam Companies"

So what will I do???
- I wait for my stocks to appreciate.
- I wait for my cash dividends.
- I wait for my stock dividends.

Money comes on their own..
No Sweat! Just Pure Sweet! Sugar Crushed!
- I'm Happy and Enjoying Life :)


'Hindi kupa sinisimulan ung blog ko regarding this! So please wait! Medyo busy din! Hehehe






No comments:

Post a Comment

Facebook Badge

Flag

Flag Counter